Sa hirap at ginhawa…tag-ulan o tagtuyot man… di mapapantayan ang samahan ng tunay na magkakaibigan.
Nagka-CANCER man dahil sa paninigarilyo, heto pa rin sila, sama-sama… sa Lung Center.
"Idedemanda ko ang Philit Moriz! P5M ang danyos!" ani Tony.
"Ang Wantons ang ihahabla ko. P5M din!" hirit ni Pete.
"Ako man, P5M din, kakasuhan ko ang Magburo!" wika ni Oca.
"Ikaw, Don, ano’ng plano mo?" tanong ng tatlo.
"P15M ang hihingin kong danyos!" tugon ni Don.
"Ha? Aling kumpanya ang ihahabla mo? ‘Di ka naman naninigarilyo," usisa nina Tony, Pete at Oca.
"Kayong tatlo!" sabi ni Don. "Usok na ibinuga n’yo ang sanhi ng kanser ko!" ;D