|
Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 2 Years, 8 Months ago
|
Karma: 54
|
Dati ang uncle ko may naikwento sa akin tungkol sa boss niya na pumunta ng Japan para mag tour.
Isang araw daw, nung pumunta siya sa mall. Inis na inis siya sa nakita niya. Akalain mo ba naman daw na sa isang shop may naka bandera na "bawal ang mga Pinoy"
Palibhasa may ari ng isang malaking hotel sa Iloilo kaya lakas ng loob na pumasok at galit na kinausap ang manager. Hirit niya, ano ba ang problema at bakit may nakabandera na warning diyan sa labas na bawal pumasok dito ang mga Pinoy?
Simple lang naman ang sagot ng manager, "ano po bang problema ang gusto niyong malaman, yung maliit o malaki? Sagot naman niya, ikaw ang bahala.
So tinawag ng manager ang isa sa mga saleslady at pinakita ang isa sa mga problema. Lumapit sila sa vending machine at binuksan ng babae. Naku! Andon daw daming bente singko sa loob ng vending machine.  Hindi na umimik si bossing, dali-dali na siyang sumibat
Kakatuwa na Kakainis 
|
|
|
|
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 2 Years, 8 Months ago
|
Karma: 54
|
Sa trabaho, pag dayuhan ang mga kaharap nagpapakitang gilas bery excellent pero pag Pinoy na ang kasama o kaharap...fill in the blanks na lang 
|
|
|
|
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 2 Years, 8 Months ago
|
Karma: 54
|
Ang iba sa atin ay anak ng anak at tinuring na parang future investments ang mga kawawang bata. 
|
|
|
|
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 2 Years, 8 Months ago
|
Karma: 54
|
Sa Glorietta daw sabi ng isa ko pang kakilala. may mga Pinoy daw doon na ang diskarte ay ganito.
Nakaporma daw sila na parang executives. Pero ang racket nila ay ganito.
Sa food court daw ay doon sila tumatambay at nakaabang sa mga naiiwang pagkain. Oo, para hindi sila masita, naka porma ala Goma. So kahit matagalan pa sila doon ok lang kasi di naman sila nagmumukhang pulubi. Hay Pinoy madiskarte ka nga talaga.
Kakainis na Kakatuwa 
|
|
|
|
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 2 Years, 8 Months ago
|
Karma: 9
|
|
Ang pinoy, pag marami sila ay maingay. Pero kung nag-iisa na ay parang manok na kinawawa sa sabong!
|
|
|
|
Live and die for ACT!
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 2 Years, 8 Months ago
|
Karma: 54
|
Sabi ng isang kaibigan ko dati raw sa isang lugar sa Chicago noong mga 1970's, naadik daw ang mga taon sa tennis. Araw-araw nandoon daw sa park nageensayo at nag sisingles at doubles. Para daw magkaroon ng chance ang lahat, ang ginawa nila yung mga rackets ay nilagay sa linya. Para habang naghihintay sa pagkakataong makalaro, ay pwede pa silang magpahinga o magsnacks man lang. Now ngayon, isang araw, nagumpisa daw na magsipagdatingan sina Pinoy. Excited ding maglaro ng tennis
So nangyari, naglagay din siya ng racket niya sa linya at sabay hintay din hanggang dumating ang pagkakataon niyang maglaro. Nangyari nga kaya araw-araw bumabalik si Pinoy.
Kaso nung tumagal, dumami at dumami ang mga tao na naglalaro ng tennis. So ibig sabihin ang pagkakataon ng lahat na makapaglaro ay lumiit.
Pero sabi ni Pinoy, di bale, gawan na lang ng paraan. Tutal, madikarte naman. So oo nga, pinagisipan kung ano ang gagawin. Hanggang sa, bumili si Pinoy ng limang racket at nilagay sa linya ang lahat ng racket niya. Of course, para daw di obvious, kailangan may agwat ang bawat racket. Cool idea!  Tuwang tuwa siya at parang nakaisa.
Pero di tumagal, napansin din ng iba ang diskarte niya. At ang ginawa na lang nila, pinabayaran na lang ang kada laro ng bawat isa na kung saan dati ay libre pa.
Kaktuwang Kakainis 
|
|
|
|
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 1 Year, 9 Months ago
|
Karma: 54
|
Madiskarte 
|
|
|
|
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 1 Year, 9 Months ago
|
Karma: 50
|
|
May diskarteng katanggap tanggap, at meron naman na pahamak. May kaugalian tayong kahindik-hindik sa purinyer at dapat naman talagang baguhin.
Sa Malaysia ako noon para mag-training, isang Sabado pumunta kami sa isang maliit na mall na parang MBK or Lucky Plaza, maraming discount at murang bilihin. Dito ay may Pilipino store.
Pagpasok namin nagulat kami ng mga kasama ko nang makita naming may apat na Pinay na naghihingutuhan sa daan, as in sa harap ng mga Pinoy store mismo! At may dalawa naman na naglilinis ng kuko at nagpepedicure doon din sa daanan sa harap ng maraming tao.
Yung mga kasama ko that time, isa't kalahating lalaki (kasi yung isa bading), ay parehong nandiri sa mga babaeng ito, kung babae man silang maituturing. Bulungan kami ng bulungan ng "Ano ba yan, kakahiya, nasa daan pa". At yung anim na Pinay naman ay walang pakialam. Yung mga tindera naman ng Pilipino store ay parang laking Tondo (pasensiya na po sa mga taga-Tondo dito). Siga siya at malakas ng boses, di naman kami bingi.
|
|
|
|
Cleverly disguised as a responsible adult.
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 1 Year, 9 Months ago
|
Karma: 25
|
honestly, hindi ko napapansin ang mga ugaling pinoy na ganito doon sa pinas. Dito ko lang na realize na meron pala nung maihalo na sa ibang kultura.  Tawa ka ng tawa dahil sa inis? Hindi normal yun ha pero wala kang magawa kesa magwala ka dahil sa inis... lol
Noong bago pa lang ako dito, narinig ko may international call sa airport na maghuhulog ka lang ng 1 baht per minute at makakausap mo na ang mga mahal mo sa buhay sa Pinas. Noong malaman ng mga Pinoy, start na silang mag save ng tig 1 baht para makatawag at umabot sa point na dumami daw ang pumupunta doon para tumawag hanggang sa nawala. That phone was supposedly for emergency calls pero ginawang sariling phone. hahaha!
Basta alam na mura o libre, dagsaan yan! Pag alam na may bayad magrereklamo yan bakit meron. hehehe... Gusto kasi lahat free. Fiesta, birthday at iba pang mga okasyon dapat may libre... kung wala, magrereklamo pa. hahaha! pag may handaan, kung konti lang ang pagkain o di kaya'y di nagustohan ang pagkain... reklamo yan! kahit libre pa... lol 
|
|
|
|
|
|
|
Re:Kakatuwang Kakainis na Ugali ng mga Pilipino 1 Year, 9 Months ago
|
Karma: 54
|
TARSIER wrote:

Nawala na kase sa isip nila ang tinatawag na "Delikadesa"
Like in this case, it could have benefited a lot of Kababayans here in Thailand kaso gusto talaga ng iba na sagarin ang murang tawag na ito. Until now meron pa ba ng ganito?
|
|
|
|
|
|
|