Mr. Fitness : Good Morning SPCommunity........ Happy Friday to all of us...
Mr. Fitness : Good day dfrancisco and welcome to SPCommunity..... Well, Filipinos usually hang-out in different places here in Bangkok but if you want you can go to Soi Filipino in Predi Banumyong...
dfrancisco : Good Day sa lahat. I'm a newly registered member and grateful for this webisite. Bago lang kami sa Bangkok and would like to connect to new Pinoy friends. Saan and when do the Pinoys usually hang out? and where pala? Salamat
Mr. Fitness : Good Morning SPCommunity..... That's one of the reason why we're in need of SPC umbrellas and caps here in the east.
carnation : tag-ulan na rin sa atin
Master J : :)
Master J : Good evening Ms. Carnation! Yes, just like in the Philippines.
carnation : gud pm. meron nang ulan, kulog, kidlat!
Master J : Tracy how are you?
Master J : Mr. Fit been calling you!
Master J : Hello Gangs!
Mr. Fitness : Lovely Tracy how are you?
Mr. Fitness : Good Morning SPCommunity..... Master J musta?
Tracy-Diaz : I miss you more, Mr. Musclepants!
Mr. Fitness : Hi Tracy miss you too.
Mr. Fitness : Good Afternoon SPCommunity... Hi, Lendio welcome to SPC.
Tracy-Diaz : Hi there, all SPians and guests!
lendio : hello po!!
Tracy-Diaz : Hi there, all Spians and guests! Miss you all here!
carnation : hello mr fitness, gud evening. hope we can finally get hold of the umbrella and cap. umuulan na ngayon
Mr. Fitness : Morning Carnation... Musta beauty natin Jan?
Mr. Fitness : Designed by master J himself... I'm so excited and I just cant help it... I know, I know, I want them, I want them....
Mr. Fitness : I'll ask my teachers too.
Mr. Fitness : Good Morning SPCommunity..... Yes, I'm so excited to master J's cap and umbrella... Master J reserve ha... Tapos padala ko lang ang bayad... Makita man di bala sa province namon and SPCommunity...
carnation : hi master J, got ur message pero what is his contact info? also where can we buy the umbrella and cap?
Master J : Everyone!
Master J : And to all your emails and sms messages of support thanks so much!
Master J : Thanks always for the support Mig
Master J : Ha ha ha
Mr. Fitness : Kong maka lupad lang ko tani mig.... Ari na naman ko bi balik.
Posted by Marvin Ric Mendoza
Friday, 06 January 2012 20:03
Isang Milyang Pangarap ni Alimuom
Nag-ugat at sumibol dito sa aking isip ang isang kumikinang na ginintuang panaginip bagaman ang aking mga mata'y hindi naman nakapikit kung kaya aking natatanaw ang kaylawak na langit. At naroon sa itaas ang bituing maririkit na parang pangarap at gunitang hindi mawawaglit. Ang puso ko'y tumimo't ang bibig ko'y may naisambit, "Ang ngayon nga ay mawawala at bukas ang papalit."
Gusto ko ngang makapagpatayo ng sariling bahay. Nais kong makaahon sa napakahirap kong buhay. Sana'y sa halip na bato'y ginto ang aking mahukay at sana ri'y aking maani ang bunga ng tagumpay upang kung saka-sakali mang ako ay mamamatay, ang lahat ng aking pinangarap ay akin nang taglay. Ang aking mga pangarap ay maari kong mahintay ngunit makakamit din lang sa galaw ng aking kamay.
Kasaganaan,tagumpay at yama'y aking ambisyon, maging tagapagtanggol at huwaran ng ating nasyon. Ang lahat ng pangarap ko'y saan kaya paroroon kung wala akong tagagabay at walang Panginoon. Sa buhay ng aking kapwa'y buhay ko ang itutugon. Mula sa pagkakadapa,ang bayan ko ay babangon upang sa isang milyang pangarap naman ay lilingon at upang ang sarili,huwag mabaon sa kahapon.
Sa paggising ni araw sa luklukan ng Silangan ay simula rin ng paglalakbay na walang pagtahan at tulad din ng aking pangarap na walang hangganan, ang matatag na puso ay higit ko pang kailangan: ngunit ang sarili'y kailangan ding pakaingatan nang ang paghihirap at pagsisikap ay 'di masayang upang kung si araw ma'y makarating na sa Kanluran, tayo'y nakarating na rin sa ating patutunguhan....
Ang Tinig ng Laruan ni Alimuom
Bagay na hawak-hawak pa ni Nene kahapon, anak-anakan daw niyang laging kalong-kalong. Sa kanyang pagtulog,sa tabi niya’y naroon, Pagsapit ng umaga’y hahanapin pagbangon.
Sa hapag-kainan mangyari’y sinusubuan, sa pagligo ay sabay ding pinaliliguan, pagkatapos nito’y una pang bibihisan at saka muling pupunta sa pook-libangan.
Ang bagay na ito ay ang mumunting laruan na sa pagkabata ay lubhang kinagiliwan, ngunit sa paglaki ay dagling kinalimutan na parang ang halaga ay pangkahapon lang.
Masdan mo ang laruan sa sulok ng tahanan na kahapon ay ngumingiti at parang may buhay. Siya’y lumuluha,tumatangis,namamanglaw. Sa yakap ng kaibigan,siya’y nauuhaw.
Iba na’t di na hilig ni Nene ang laruan, Pera na kasi ang higit niyang kailangan. “Kung araw at gabi ako ay maglalaro lang, bukas ng umaga’y kakalam ang aking tiyan”
“Kahit ilang oras lang na tayo’y maglalaro, wala na rin kasi sa aki’y nagpapaligo. Dati,sa akin, yakap mo ang sumusuyo ngunit ngayo’y alikabok sa’ki’y dumarapo.
Kapag ang laruan ay makapagsasalita, Ang sasabihin n’ya ay “maglaro tayo bata”. Kapag ang laruan ay maaaring lumuha, sa kaydaming buhay,kalungkutan ang babaha.
“Dati ay may ningning pa ang aking mga mata. Ang aking mga pisngi’y lubhang napakaganda. Sa silong ng langit tayo ay laging masaya bagaman ang lahat niyon ay hiram lang pala.
Kaligayahan mong ituring na ako’y sa’yo at ligaya ko rin naming ako’y iyong-iyo. Dati’y kaydaming batang sa’yo’y naninibugho dahil sa iyong laruan,laruan mong si ako.
Ngayong ika’y malaki na’t hilig mo’y iba na, ‘wag mo akong pabayaang laging mag-isa. Hiling ko,kung ang silbi ko sa iyo’y tapos na, sa munting bata naman, ako ay ipamana….”
WIKANG FILIPINO
ni Alimuom
Ito ay punyal na ubod ng talim Punyal na kumikinang sa gabing madilim Ang puluhan nito ay utak na magaling At ang talas nito’y kakaiba kung limiin.
Sa nakaraa’t sa ngayo’y patuloy na hinahasa Na ang gamit ay kaydaming mga dila Ang punyal na kaytagal nang ginawang pananda Ay may bakas na rin ng kalawang at dagta.
Ang punyal na ito ay ang wikang Filipino Na patuloy na umuunlad sa pag-ikot ng mundo Ang kapara nito’y matigas na bato Na ‘pag di ipukol ay di malaman kung ano.
Mula sa isang bibig ay kumalat nang kumalat Mangyari’y dala-dala ng bapor na laging naglalayag Ang wikang Filipino’y katulad ng kamandag ng ahas Na sa isang sarili ay nagpapalakas.
Ang wika sa malayo ay kakaiba sa narito Iba ang sa kanya, iba rin ang sa iyo At dahil tayo ay kapwa Pilipino Yakapin natin ang wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay ilaw ng Pilipinas Liwanag sa pagtahak sa tuwid na landas Gamitin natin at gawing lakas At gawin ding pananggol sa darating na bukas.
Madaling magkaisa kung may pagkakaunawaan Madaling makakita kung may liwanag na natatanaw Madaling mananggol kung may lakas na taglay. Sa lahat ng ito’y wikang Filipino ang daan.
Sa bukas na darating ay ating mamamalas Ang dating ilaw ngunit bago nang landas Maaaring paabante, maaaring paatras Maaaring pababa, maaaring pataas.
Ang wikang Filipino’y magsisilbing gabay Sa kayraming taong sa Pilipinas namamahay.. Sa tuwid na landas ay walang mawawalay Kung tayo’y hawak-kamay sa pag-abot sa tagumpay…
Karalitaan
ni: Alimuom
Sa bukid na tigang ay naroo't nag-iisip ang isang taong sa hirap lamang nagtitiis. Kung may katiting na gintong sana'y naisukbit, ang lungkot na nadama'y sa saya ipagpalit.
Ang kahapo'y binalikang puno ng pangarap, ang katiwasayan ay nais sanang malasap; Ngunit dahil doon sa maling hagdan umakyat, sa halip na riwasa'y sa dalita naharap.
Ang buhay na natamo'y lubhang pinagsisihan, 'pagkat bagabag sa puso'y laging nananahan. Naisip pa man ding ng langit ay niyurakan at pilit na pinahalik doon sa putikan.
Ang buhay nga sa mundo ay tunay na baligho, parang gatas na matamis na naging maanggo. Ubod-bait man, dalita yaong natatamo, ubod-tibay pa ngang pisi, dagling napupugto.
Ang dumi sa mundong ngayo'y naglipana, isipin man at hindi ay Diyos din ang may gawa, Ang mga magnanakaw at sinungaling pa nga ay 'di maitatatwang may silbi rin sa madla.
Ang dungis sa mukhang makikita lang sa dukha ay tunay ngang may silbi at merong nagagawa. Isipin mo kung wala kang dungis na makikita, ang mga mariwasa'y tulad sa maralita.
Maraming nagsasabing angDiyos daw ay maraya 'pagkat nakagapang lamang sila sa dalita At ang mga katiting na yamang inaruga, sa isang kisap-mata ay biglang nawawala.
Marami-rami na rin ang pating sa katihan at babaeng marumi ang dangal at katawan. Sa pag-ikot ng mundo 'di dapat kalimutan na ang mga sanhi't dulot niyo'y karalitaan.
Karalitaang kung isipi'y krus na mabigat ang isang simbolong hadlang sa mga pangarap. Ang ibang maralita'y sa langit umaakyat at ang ibang mariwasa ay sa lupa bumabagsak.
Ang langit sa mariwasa'y lubhang mahalaga, kawangis ay ginto at perlas ng maharlika. Ang mahirap naman, sa anuma'y kuntento na basta't mabuhay lang na marangal at masaya.
Karalitaa'y pagsubok sa kaydaming tao, para sa mayayama'y papasanin ng husto, Sa mahihirap nama'y pampatatag ng puso na mula sa kahapo't sa bukas patutungo.
DAPIT-HAPON
ni: Alimuom
Isang dapit-hapong madilim ang langit Puno ng pangamba itong aking isip Ang aking paligid ay lubhang tahimik Habang si dilim ay marahang sumapit.
Sa dagat,si araw ay nagkulay pula Simbolo ng paalam sa sinisinta Ang liwanag sa bayan ay aalis na Kung kaya nakahanda ang bawat isa.
Itong si gabi naman ay lalatag na Tinatakpan ang pangit man o maganda Kahit maaagap at masisipag pa Pagdilim ng langit ay namamahinga.
Sa pagpinid ng bintana’y natanaw ko Ang isang kandilang may sinisimbolo Pinag-iisip ko at pinagtatanto Kung ano ang halaga sa’king puso.
Madilim ang gabi’t walang maririnig Maliban sa awit ng mga kuliglig Ang simoy ng hangin ay sadyang kaylamig Habang naghahatid ng magandang himig.
Habang hinihintay ang bukang-liwayway Naisip ko na ang gabi ay kaytagal Sa dilim ng gabi’y kayraming pinaslang Pagpikit ng mata’y kayraming namatay.
Bukas ay sisikat na muli ang araw Subalit tiyak kong ako’y mamamanglaw Ang kandilang kagabi’y aking namasdan May pag-asa pa bang muling matatanaw?
Sa silangan, si araw ay namumuhunan At sa kanluran naman namamaalam Kaya ang taong lupa ang sinibulan Ay tiyak na may langit ding makakamtan.
Ang nais ko sana’y laging maliwanag Laging ilaw ang mababanaag Ako’y kurus na sa lupa’y humahalik At lumuluhod sa gintong mga tinik.
Ang umagang kayganda’y muling lilipas At isang dapit-hapon ‘yong mamamalas Sa bagay na’to’y walang makaiiwas ‘pagkat ang Diyos natin ang s’yang nagsabatas.
Kaya iyong masdan itong aking palad Ang kapalaran ko ay dito nakasulat Ang karangalang sa aki’y igagawad Marahil sa hukay ko na matatanggap.
Ang katawan ko’y sa lupa ililibing Sakaling dapit-hapon sa’ki’y darating Ngunit ang buhay ko’y magiging bituin Na sa taas ng langit ay magniningning.
Ang lahat ng buhay ay may dapit-hapon Ang mga gunita’y ating tinitipon Kung sakaling bukas ay ‘di na babangon Tayo’y kandilang sa kamay na ng Poon..